Saturday, September 28, 2013

Birthday Message of Love to a Daughter (Tagalog)

A Birthday Poem for TJ
Heto na naman sya
Ang pinakamasayang araw sa isang tao
Taun taon dumarating
Di maiwasan pa man din



At kahit na anong gawin
Sadyang tunay na pasisiyahin
May surpresa, may regalo
Pero you bet na wala ng tatalo

Sa maiiwan na ngiti
Paghalik ko sa kanyang pisngi
Ang laki mo na sasabihin nila
Pero sa akin at kay Nanay kaw pa rin ang batang noo’y hinihila

Oo aakayin ka pa rin namin
Kung saan ikaw ay liligaya di lang sa panalangin
Dahil sa puso isip at diwa
Ika’y nag-iisa, ikaw na, ikaw na nga

Anak, happy birthday sa yo
Pero alam mo ba na sa kabila nito, kami pa rin ang higit na pinaligaya mo
Nakatutuwang tingnan ang repleksyon sa salamin
Nakikita namin sa iyo kung ano ang aming itinanim

Hindi ka lang excelente sa eskwela
Suking suki kita sa aking mga pakwela
Sa bahay isa ka sa nagpapasaya
You make us excited kapag sunduan na

Ngayong 19 ka na pakiwari ko bata ka pa rin
Mga hilaw na ngiti di nagbago man din
Ugali mo at mga gawi
Maniwala ka, buong buo, minahal namin

Hindi sapat sa iyo ang wish na happy birthday
Dahil alam namin every year, you make it our day
Kaya sa iyong kaarawan, selfie day, songer day ay sa yo
Pati puso’t kaluluwa namin ni Nanay mo

We love you anak, happy birthday!

No comments:

Post a Comment